{\rtf1\ansi\ansicpg1252 {\fonttbl\f0\fnil\fcharset0 TimesNewRomanPSMT;} {\colortbl;\red255\green255\blue255;\red75\green87\blue42;\red247\green255\blue221;} \deftab720 \itap1\trowd \taflags0 \trgaph108\trleft-108 \trbrdrt\brdrnil \trbrdrl\brdrnil \trbrdrt\brdrnil \trbrdrr\brdrnil \clvertalt \clshdrawnil \clwWidth11200\clftsWidth3 \clmart10 \clmarl10 \clmarb10 \clmarr10 \clbrdrt\brdrnil \clbrdrl\brdrnil \clbrdrb\brdrnil \clbrdrr\brdrnil \clpadt240 \clpadl240 \clpadb240 \clpadr240 \gaph\cellx8640 \pard\intbl\itap1\pardeftab720\partightenfactor0 \f0\fs22 \cf2 \cb3 \expnd0\expndtw0\kerning0 \outl0\strokewidth0 \strokec2 \cell \lastrow\row}

Friday, November 6, 2009

Agyu Tamu by ED PAMINTUAN: Atching Monet, Gloria Q and dewdrops

==== Ang daglit naming pagkikita-kita at maikling pagkukwentuhan ay parang mga patak ng hamog sa katanghalian na nagbigay sariwa at muling bumuhay sa mga magagandang alaala ng masayang pagsasamahan ng lumipas na mga panahon===

Matagal na kaming di nagkikita ni Atching Monet, isa sa mga kaibigan ko sa Malabanias na kasa-kasama ko sa paglilingkod simula pa nuong ako ay mangampanya at mahalal na mayor ng Angeles City hanggang nuong 1998 nang ako ay tumakbo sa pagka-representante ng unang distrito ng Pampanga. Nagkita kami nang bumisita ako kay Gloria Q. na isa ding matagal nang kaibigan na balita ko’y may hinanakit sa akin. Si Gloria ay purok lider na pinagtitiwalaan at mahal ng mga tao sa kanyang purok. Nasa kampo siya ng isang pulitiko na balitang tatakbo sa pagka mayor ng siyudad.
Mainit ang pagsalubong sa akin ni Atching Monet bagama’t parang aksidente lamang ang aming pagkikita, kasi nga si Gloria talaga ang bibisitahin ko sa pagpunta ko sa Malabanias. Masayang inakap niya ako pagkat matagal na raw niya akong nami-missed, laluna daw ngayon na parang nawalan sila ng ama sa siyudad dahil sa ang kasalukuyang namumuno ay di malapitan para dinggin ang kanilang karaingan at problema. Sa laki ng tuwa ko, na-kiss ko siya sa bibig (lips to lips kiss of warm friendship and pure joy, without malice of any kind ito kasi naman medyo “oldie” na talaga si Atching Monet at wala ng ngipin sa harapan, kaya nagkatawanan kami ng halikan ko siya).
Sabi ni Atching Monet: “Pero ngayon mayor nagkaron uli kami ng pag-asa kasi nabalitaan namin na babalik ka muli para maging mayor namin dito.” Ipina-laminate niya at naka-display sa kanyang bahay ang Torrens Certificate of Title (TCT) na nagpapatunay na siya na ang may-ari ng lupa na kinatitikiran ng kanyang bahay---na nakuha nila dahil sa Land for the Landless Program nuong ako’y mayor ng
siyudad Angeles. Malaki ang pamilya at kamag-anakan ni Atching Monet at marami din siyang kasamahan sa kanilang lugar ang nabiyayaan ng programa sa lupa nuong panahon ko. Tulad ni Atching Monet tinanggap nila ako ng buong init at nagpahayag sila ng masayang pag-asa na magkaroon uli sila ng isang ama na malalapitan at kakalinga sa pangangailagan nila at ng kanilang lugar, gaya nuong mga nakaraang araw ng aming pagsasama-sama at pagtutulungan.
Ganun din ang kinahantungan ng pagkikita naming muli ni Gloria nang bisitahin ko siya nitong nakaraang Linggo sa kanilang lugar sa may Abacan bridge, dakong likuran ng Robinsons Mall. Oo, sabi niya, may tampo talaga siya sa akin, pero ngayong pinuntahan ko siya at nagkausap kaming muli, wala na siyang hinanakit sa akin at siya, sampu ng kanyang mga kasamahan at kapwa lider sa kanilang purok, ay sasama nang muli sa akin. Si Gloria, kaya pinagtitiwalaan, ay totoo sa kanyang salita. Alam ko na ang salitang kanyang binibitawan ay nanggagaling sa kanyang puso. Kaya masaya ako nang sabihin niya na wala na siyang tampo sa akin at kami ay magkasama nang muli.
Sa totoo lang, talaga din namang maganda at masaya ang pinagsamahan namin ni Gloria at ng kanyang mga tao. Sa tingin ko, na-miss lang nila ako, gaya rin ng pagkaka-miss ko sa kanila. Bagama’t dahil sa aming mga ginampanang trabaho at responsibilidad ako ay napalayo kina Gloria at Atching Monet, hindi naman ako talaga lumisan, at kahit sandali ay hindi nawalay sa aking pananaw at diwa ang siyudad Angeles at ang aking mga kaibigan at kasamahan. Ang sabi nga: You will only appreciate the awesome wholeness and beauty of the mountain when you behold it from a distance. And then you will come back to the mountain to experience the myriad wonders of its mysteries.
Ang daglit naming pagkikita-kita at maikling pagkukwentuhan ay parang mga patak ng hamog sa katanghalian na nagbigay sariwa at muling bumuhay sa mga magagandang alaala ng masayang pagsasamahan ng lumipas na mga panahon. Hindi lamang si Atching Monet at Gloria at mga kaibigan sa Malabanias kundi ako man ay nagkaron ng sariwang pag-asa sa muling pagkabuhay ng magaganda at masasayang araw ng pagkakaibigan.
As the great poet Khalil Gibran rhapsodized in his immortal poem of long ago on “Friendship”: “And in the sweetness of friendship let there be laughter and sharing of pleasures. For in the dew of little things the heart finds its morning and is refreshed.” Dewdrops are water droplets condensed from the air, pure and refreshing, that Nature has made to fall in the night, in that darkening portion of a dying day, to make each coming new day begin with a refreshing beautiful morning.
At tunay na ganyan ang naging epekto ng maliliit na insidenteng ito ng pagkikita-kita na mistulang maliliit na patak ng hamog sa katanghalian ng buhay ng mga magkakaibigan na pansumandaling nagkahiwalay sa ordinaryong pag-agos ng buhay, at ngayon ay muling pinagbuklod ng magaganda at masasayang munting alaala.
*****
Good day to you all, kind readers. See you again next week.
Agyu tamu, Mabuhay!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.